Dentalcare logo
Burning Mouth Syndrome

Burning Mouth Syndrome - Tagalog

Hindi bihira ang pagkakaroon ng makating pakiramdam sa bibig at maaari itong iugnay sa ilang disorder kapag umiiral kasabay ng iba pang sintomas. Gayunpaman, hanggang 15% ng mga nakakatandang pasyente ang maaaring makaranas ng paghapdi sa bibig sa kabila ng kawalan ng iba pang nakikitang sintomas. Binigyan ito ng kategoryang Burning Mouth Syndrome.

Mga dahilan ng burning mouth syndrome

Sa kabila ng kawalan ng nakikitang ebidensya ng kundisyon, natukoy ang lahat ng problema sa pag-iisip gaya ng stress sa emosyon, pagkabalisa at depresyon, mga kakulangan sa hormone sa post-menopausal na kababaihan at neurological na abnormalidad bilang mga posibleng sanhi ng burning mouth syndrome.

Mga sintomas ng burning mouth syndrome


Kasama sa mga sintomas ng burning mouth syndrome ang mga sumusunod:

  • Hindi gumagaling na paghapdi ng dila, hard palate, labi o surface ng bibig sa pagitan ng gilagid at labi
  • Pakiramdam na panunuyo ng bibig
  • Pakiramdam na parang tinutusok ng karayom na nagdudulot n kawalan ng ginhawa
  • Nagbagong panlasa at/o pang-amoy

Dina-diagnose ang burning mouth syndrome sa pamamagitan ng pagbubukod ng iba pang salik na maaaring magdulot ng paghapdi ng bibig. Maaaring kasama sa mga salik ang mga gamot, Type 2 Diabetes, mga allergy at kakulangan sa bitamina.

Paggamot at mga remedyo sa burning mouth syndrome

Ang unang hakbang sa paggamot sa burning mouth syndrome ay alisin ang anumang lokal na nakakapagpalalang salik gaya ng mga impeksyon, oral na produkto at maaanghang na pagkain. Inirerekomenda ang mga produktong para sa ngipin na walang alcohol na may kaunting additive at minimal na flavoring, gayundin ang mga candy at gum na walang asukal, at inuming walang caffeine. Napag-alaman ding nakakatulong sa pagpapababa ng tindi ng pananakit ang mga therapy kasama na ang pamamahala sa stress, yoga, psychotherapy at bahagyang ehersisyo.

Depende sa iyong mga sintomas, ang ilang antidepressant na ginagamit para gamutin ang pagkabalisa ay maaari ding isaalang-alang bilang gamot sa burning mouth syndrome, kasabay ng ilang topical na pamamaraan.

Sa kabila ng pagiging benign, maaaring maging nakakapanghina ang burning mouth syndrome, at kaya inirerekomendang bumisita ka sa iyong dental professional kung nakakaranas ka ng anumang uri ng paghapdi ng bibig.