Dentalcare logo
erosion

Mga Implants – Pro Maintenance - Dental Implants – Pro Maintenance - Tagalog

Ang mga dental implant ay isang opsyon upang mapalitan ang mga nawawalang ngipin. Ang mga dental implant ay kumikilos tulad ng mga kapalit sa mga ugat ng ngipin at maaaring kabitan ng inyong dentista ng isang kap (korona) o iba pang mga pagkukumpuni upang palitan ang isa o mas marami pang ngipin. Bagama’t hindi nabubulok ang mga dental implant (mga pagkabulok), maaari silang dumanas ng pagkawala ng gilagid at buto (o peri-implantitis) kung may pagdami ng bakterya sa plaque sa paligid ng mga implant. Ang bakterya sa dental plaque ay maaaring gumawa ng mga lason na nagsasanhi ng implamasyon sa inyong mga gilagid at buto. Maaari itong magdulot ng pamamaga, pagdurugo, pag-atrs ng gilagid, pagkawala ng buto sa paligid ng mga implant, at pati na ang pagluwag o pagkawala ng implant. Sa katunayan, mas malamang na makaranas ng pagkawala ng gilagid at buto ang mga dental implant kaysa sa inyong natural ng mga ngipin! Dahil dito, mahalaga na bumisita kayo sa dental na opisina at tumanggap ng regular na patuloy na mga paglilinis at eksaminasyon upang panatilihin ang kalusugan ng implant.

erosion

Sa mabuting kalusugan at tamang kalinisan ng bibig, ang mga dental implant ay may mas mabuting pagkakataong magtagal ng maraming taon sa kalusugan at paggana. Subalit, sa kawalan ng kalinisan sa bibig at medikal na sakit, tulad ng diyabetis, ang mga pasyenteng naninigarilyo, o may nakompromisong immune system na nagdudulot sa pamamaga at kawalan ng buto ay magpapababa sa buhay ng mga implant. Ang mga implant ay maaaring bumuo ng isang uri ng implamasyon sa gilagid na sintulad sa gingivitis, na tinatawag na peri-implant mucositis. Maaari itong magamot, subalit mas mahirap gamutin kung ihahambing sa gingivitis sa mga ngipin. Kung hindi ginagamot ang peri-implant mucositis, maaari itong lumalala at humantong sa resorption ng buto sa paligid ng mga implant. Ito ay tinatawag na peri-implantitis at maaaring humantong sa pagkawala ng implant sa paglipas ng panahon. Upang maiwasan ang paglala ng sakit sa gilagid sa paligid ng inyong mga dental implant, an inyong propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ng ngipin ay maaaring gumamit ng mga espesyal na kagamitan at pamamaraan sa kanilang klinika upang matiyak na tanggalin ang bakterya sa plaque, tartar (calculus), o ibang mga dumi sa mga dental na implant. Kung mapansin ng inyong propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ng ngipin na ikaw ay nagkaroon ng pagkawala ng buto sa paligid ng inyong implant (peri-implantitis), maaari silang magrekomenda ng nangungunang paggamot kabilang ang: masinsinang na paglilinis (scaling at planing ng ugat), laser therapy, paglagay ng mga antibiotic sa pagitan ng implant at mga tisyu ng inyong gilagid, o operasyon upang ibalik ang lugar sa dating kalagayan.

Sa pangkalahatan, kinakailangan ng mga implant ang patuloy na mga paglilinis at eksaminasyon nang mas madalas kaysa sa mga malulusog na ngipin. Kung malulusog ang inyong mga implant, maaaring magrekomenda ang inyong dental napangkat na magpalinis ka bawat 3 buwan sa unang taong pagkatapos maikabit ang inyong pagkukumpuni sa implant at pagkatapos ay bawat 4-6 na buwan makaraan nito. Para sa mga implant na may sakit sa gilagid, o kung ikaw ay may mga dahilan na magkaroon ng panganib nang pagkawala ng gilagid at buto sa paligid ng mga implant, maaaring magrekomenda ang inyong dental na pangkat ng mas madalas na mga pagbisita sa buong buhay ng inyong implant.

Ang isang mahalagang hakbang sa propesyonal na pagtatasa ng inyong mga dental implant ay ang pagbuo ng mga naisapersonal na rekomendasyon para sa pangangalaga sa bahay na nagbibigay-daan sa inyo na alagaan nang pinakamahusay ang inyong mga dental na implant. Ang inyong dental na pangkat ay gagawa ng mga rekomendasyon upang magbigay-daan sa inyo na pinakamahusay na linisin ang bakterya sa plaque mula sa inyong implant at mga ngipin upang mabawasan ninyo ang panganib sa pagbuo ng peri-implant na sakit.

Mga tip upang mapanatiling malulusog ang inyong mga implant:

  • Tanungin ang inyong dental na propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ang tungkol sa tiyak na mga rekomendasyon sa paglilinis at mga nakasulat na tagubilin sa pag-aalaga ng inyong mga dental na implant.
  • Siguruhin na naglilinis ka sa paligid ng mga implant mo ng dalawang beses man lang bawat araw ayon sa nirerekomenda ng iyong dental na pangkat.
  • Pag-isipan ang paggamit ng mga espesyal na panlinis na kagamitan upang linisin ang paligid ng mga dental na implant dahil malamang na mas maliit at iiba hugis ng mga implant kaysa sa mga ngipin na kanilang pinalitan.
  • Bumisita sa inyong dental na pangkat nang regular upang masuri nila ang kalusugan at paggana ng inyong mga dental implant at magbigay ng propesyonal na paglilinis.