Dentalcare logo
Fluoride

Mga Benepisyo ng Dental Fluoride - Benefits of Dental Fluoride - Tagalog

Paano Makakatulong ang Dental Fluoride na Protektahan ang Mga Ngipin Mula sa Pagkabulok?

Humahalo ang dental fluoride sa mga mineral sa iyong mga ngipin para makabuo ng enamel na mas matibay at mas hindi tinatablan ng acid. Kapag sinimulang tunawin ng mga acid na nagmula sa plaque na nasa iyong mga ngipin ang mga mineral na nasa enamel ng iyong mga ngipin, nagsisimula ang prosesong tinatawag na demineralization. Nagsisimula ang demineralization sa pamamagitan ng pagpapahina sa enamel at nagreresulta sa maliliit na sira sa umpisa, pero maaaring humantong sa pagkabulok ng malaking bahagi at higit na pagkawala ng ngipin. Maaaring baligtarin ang pinakaunang antas ng demineralization sa pamamagitan ng pagbabalik ng mineral sa enamel. Maaari itong mangyari sa pamamagitan ng paglalagay ng dental fluoride sa enamel.

May dalawang paraan ng paggamit sa fluoride para maprotektahan ang enamel ng ngipin – ipinapasok sa katawan (systemic) at ipinapahid (topical).

Sa paraang systemic, tumatalab ang fluoride kapag tumutubo ang mga ngipin sa mga sanggol at bata – pinapalitan ang ilan sa mga crystal sa nabubuong enamel ng mga crystal na hindi mabilis mabulok na may lamang fluoride. Ini-ingest ang systemic fluoride sa tubig, mga pagkain o supplement na may fluoride na inirereseta ng isang dentista o pediatrician. Nakakatulong ang mga systemic source na ito ng fluoride na tiyaking magiging matibay at hindi mabilis mabubulok ang mga ngipin ng bata.

Makikita ang ipinapahid na fluoride sa fluoride toothpaste at fluoride mouthwash at tumatalab mula sa labas ng ngipin kapag nagsipilyo at nagmumog ka. Maaari ding magbigay ng mga paggamot gamit ang ipinapahid na fluoride sa tanggapan ng iyong dentista, nang hindi gaanong madalas at sa mga mas mataas na konsentrasyon. Kapag gumamit ka ng ipinapahid na fluoride araw-araw sa bahay, sa kaunting konsentrasyon, maibabalik mo ang mineral sa mahinang enamel at mapapatibay ang istruktura ng iyong enamel. Mahalagang magsipilyo nang mabuti nang dalawang beses sa isang araw at magmumog araw-araw ng mga produktong may fluoride na klinikal na inaprubahan para mapigilan ang pagkabulok ng ngipin. Dapat gumamit ng mga flouride toothpaste at mouthwash sa kabuuan ng iyong buhay. Kausapin ang dentista ng iyong anak tungkol sa kung paano siya matutulungang magsipilyo gamit ang toothpaste na may napakakaunting fluoride hanggang sa sapat na ang edad niya para maidura sa halip na lunukin ang toothpaste.

Iba Pang Paraan Kung Paano Makakatulong ang Dental Fluoride na Pigilan ang Mga Pagkasira

May napakakaunting fluoride ang laway bilang resulta ng pag-inom ng tubig na may fluoride at paggamit ng mga produktong may fluoride at samakatuwid ay makakatulong sa pagbabalik ng mineral habang pinapalibutan nito ang mga ngipin – bukod pa sa pagkilos bilang natural na paraan para sa paglilinis ng mga ngipin.

Maliban sa pagbabalik ng mineral sa mga ngipin sa paraang pagpasok sa katawan (systemic) at pagpahid (topical), nakakatulong din ang fluoride na pigilan ang mga pagkasira sa pamamagitan ng pagkakaroon ng epekto sa bacteria sa plaque, binabawasan ang kakayahan nitong makagawa ng mga acid na nagdudulot ng pagkabulok.