Restorative Dentistry - Tagalog
Ang “restorative dentistry” ay terminong ginagamit ng mga dental professional para ipaliwanag kung paano nila pinapalitan ang mga natanggal o nasirang ngipin. Ang mga pasta, crown (“mga cap”), pustiso, at implant ay mga karaniwang restorative na opsyon. Ang layunin ay maibalik ang iyong natural na ngiti at maiwasan ang pagkakaroon sa hinaharap ng mga isyu sa kalusugan ng bibig.
Bakit mahalaga ang mga pamamaraan ng restorative dentistry
- Ang pagpapasta ng mga butas sa ngipin ay tumutulong sa pagpapanatili ng wastong pagkakahanay ng mga ngipin
- Kung papalitan ang mga natanggal na ngipin, mas mapapadali ang pagpapanatili ng magagandang gawi sa pangangalaga sa mga ngipin at loob ng bibig para makatulong sa pag-iwas sa pagkaipon ng plaque at sa mga problemang maaaring idulot ng plaque
- Dahil sa pagkatanggal ng mga ngipin, maaaring maapektuhan ang iyong kalusugan, hitsura, at pagpapahalaga sa sarili
Mga Opsyong Pagpapasta para sa Restorative Dentistry Treatment Mga Fillings
Ang pinakakaraniwang paraan sa paggamot ng isang sira ay ang pag-alis ng iyong dentista sa bulok at pagpasta sa ngipin gamit ang isa sa maraming iba’t ibang materyal. Kasama sa mga materyal na ito sa pagpapasta ang gold, porcelain, silver amalgam (na binubuo ng mercury na may halong silver, tin, zinc at copper), plastic o composite resin na kakulay ng ngipin.
Mga Crown
Ang crown ay isang hugis-ngiping cap na ipinapatong sa isang ngipin. Ginagamit ito para mapatibay at maprotektahan ang istruktura ng iyong ngipin. Inihahanda ng iyong dentista ang ngipin, inaalam ang kundisyon nito, at saka ito gagawan ng crown sa laboratoryo ang isang espesyalista.
Naaangkop ang crown para sa mga taong may mga apektadong ngipin o sira sa ngipin.
Sinesemento ang crown sa ibabaw ng sirang ngipin.
Mga Pustiso
Ang pustisong ngipin ang "nag-uugnay" sa gap kung saan may mga natanggal na ngipin. Ang isang pustiso ay mayroong crown sa magkabilaang dulo bilang anchor at may (mga) artipisyal na ngipin na nag-uugnay sa mga crown at pumupuno sa bakanteng espasyo. Napipigilan ng pustiso ang paggalaw ng iba pa mong ngipin mula sa kinalalagyan nito. Kapag nailagay na ang isang pustiso, nagagamit ito na tulad ng iyong mga natural na ngipin.
Mga Dental Implant
Ginagamit ang mga dental implant na pamalit sa mga natanggal na ngipin. May 2 bahagi ang isang implant: isang metal na anchor at pekeng ngipin, na katulad ng isang crown. Ang isang dental na implant ay kamukha at parang katulad ng isang natural na ngipin.
Ipinapasok ang metal na anchor sa panga.
Pagkatapos maipasok ang anchor, saka inilalagay ang isang pekeng ngipin.
Mga tip sa pangangalaga ng iyong restorative dentistry work
- Sepilyuhing mabuti ang iyong mga ngipin dalawang beses sa isang araw.
- Makakatulong ang mga electric na sepilyo sa pag-alis ng plaque sa iyong mga ngipin at restorative work.
- Tiyaking magfo-floss sa paligid ng iyong mga ngipin, dental implant, crown, at pustiso araw-araw.
- Subukang huwag ngumuya ng matitigas o madidikit na pagkain. Maaaring mapinsala ng mga ito ang iyong implant, pustiso, o crown..
- Gumamit ng antibacterial na mouthwash para makatulong sa paglaban sa bacteria ng plaque sa paligid ng restorative work.
SHARE