Dentalcare logo
What is Gingivitis?

Ano Ang Gingivitis? - What is Gingivitis? -Tagalog

Alam mo ba… 75% ng mga taga-America ang makakaranas ng sakit sa gilagid sa ilang punto sa kanilang buhay? Ang gingivitis ay isang maagang yugto ng sakit sa gilagid na madaling mapamahalaan, mapigilan, at magamot.

Ano ang Gingivitis?

Nagkakaroon ng gingivitis kapag naiipon sa ngipin ang plaque, na mayroong bacteria, at naglalabas ng mga toxin na nagdudulot ng iritasyon sa gilagid. Kabilang sa mga senyales ng gingivitis ang nagdurugo, namamaga, nagsusugat, kumikirot, o namumulang gilagid. Mahalaga ang pamamahala ng gingivitis para hindi ito humantong sa mas malubhang uri ng sakit sa gilagid.

Ang araw-araw na masusing pagtatanggal ng plaque ang pinakamahusay mong pananggalang laban sa gingivitis. Kasama sa iba pang salik na maaaring magpataas na posibilidad na magkaroon ka ng gingivitis ang paninigarilyo, stress, mga pagbabago sa mga hormone, hindi magandang nutrisyon, gamot at hindi gumagaling na sakit.

Treatment and Prevention of Gingivitis

Paggamot at Pag-iwas sa Gingivitis

Narito ang ilang mahalagang paraan para makatulong sa pamamahala ng gingivitis, at tandaan, lahat ng ito ay para mapanatiling walang plaque ang iyong mga ngipin hangga’t maaari:


  1. Magsepilyo nang mabuti dalawang beses sa isang araw gamit ang antigingivitis na toothpaste
  2. Magmumog nang mabuti gamit ang antigingivitis na mouthwash
  3. Gumamit ng manual o electric na sepilyong malambot ang mga bristle,
  4. Mag-floss araw-araw, at
  5. Regular na magpatingin sa iyong dental professional.
gingivitis-image-3

Ano ang kaibahan sa pagitan ng gingivitis at mga advanced na periodontal disease?

Ang gingivitis at periodontitis ay “mga yugto” ng periodontal disease, o sakit sa gilagid. Ang gingivitis ay ang pinakamaagang anyo ng sakit sa gilagid na kakikitaan ng kumikirot, namamaga, nagdurugo, at namumulang gilagid. Maaaring maalis ang gingivitis, ngunit kung hindi ito magagamot, maaari itong humantong sa mas advanced na yugto na tinatawag na periodontitis kung saan umuurong palayo sa mga ngipin ang gilagid, na nagbibigay-daan sa bacteria na magsanhi ng impeksyon na maaaring makapinsala sa mga ngipin at sa mga sumusuportang buto ng mga ito. Ang periodontitis talaga ang pangunahing sanhi ng pagkatanggal ng ngipin.


Maaaring magsanhi ang periodontitis ng permanenteng pagkasira. Sundin ang karaniwang gawain sa wastong kalinisang pambibig para maagapan nang maaga ang gingivitis at maiwasan ang paghantong sa mas malalang sakit sa gilagid.